Featured Stories

Photo

Dr. Ramiro P. Escobin

The accidental scientist

Dr. Escobin is one of the country's experts in wood identification. He has several remarkable contributions in the field: One is the implementation of the Executive Order 23, enabling the government to run after the illegal loggers and ship owners who transport illegal lumber. The others are numerous published works, of which the latest is the "Revised Wood Identification Handbook for Philippine Timbers," a much awaited resource for the private and government-based institutions and the academe. Dr. Escobin also serves as the curator of the Forest Product and Development Institute (FPRDI) Herbarium and Xylarium. He came by being a scientist by chance. But he conquered the field and stayed on top. Other than wood, he loves sports and he loves being a doting grandfather.

QUESTION: What motivated you to take this path, becoming a scientist? (Did you stumble into it quite by accident or was it the fulfilling-a-childhood dream kind of thing)

ANSWER: I never plan or dream of becoming a scientist. Gusto ko lang yung simpleng buhay. Magtinda, mag-driver, kasi po lahat ng hanapbuhay, odd jobs eh kelangan kong matutunan kasi, nagtinda-tinda ko ng kung ano-ano, mani, mais; nagtinda ko sa mga bus, nag drive ako passenger jeep. Hindi ko alam na yung plano pala ng aking nanay at tatay eh pagtapusin ako. Basta sabi nya (nanay), pasok, pasok ako. Sunod lang ako. Basta sunod lang ako. Wala akong dream.

Galing ako sa poor family. Actually, very poor family.  Marami kaming magkakapatid, sampu. So, kita mo ngayon sa kondisyon ng aming pamilya, eh talagang hirap na hirap po kami noong ako'y maliit. So ano nangyare? Di dapat tutulong kami sa aming mga magulang upang kami ay magsurvive, ano. Eh mabuti na lang, naturuan kami ng aming mga magulang kung papaano at ano dapat ang gagawin namin. Unti-unti  kaming lahat ay nakatapos ng pag-aaral. Ang aking tingin, diyan na nag uumpisa lahat yan, doon sa family. Kung papaano kayo pinalaki. Very important po yon.  So kahit mahirap, kahit mayaman, walang balakid upang tayo ay magtagumpay sa buhay. Kahit wala kang pera, nakapag aral. Kahit walang kapasidad na mag college, nakapag college, naka pag MS, nakapag  PhD., naging scientist. Ganoon po ang istorya ng aking buhay. Kaya naniniwala ako na nasa bata yon, ano. At sa palaki ng magulang nya sa kanya.


QUESTION: What is your favorite aspect of being a scientist?
ANSWER: Actually hindi ko gusto itong aking specialization. Hindi ko gusto itong botany, hindi ko gusto itong plant taxonomy, hindi ko gusto ang lahat ng ito. Ang gusto ko ay maging isang, sana lang ha, maging isang chemical engineer. But hindi ako tinanggap ng UP sa chemistry dahil daw ung grade ko ay mababa daw sa chemistry. So hindi ako nakapasok, ano. So, ang nangyari napapunta ko dun sa second choice. Dun ako napapunta kaya na expose ako sa mga halaman. Ngayon, dahil doon, wala na akong magagawa, sabi ko, dito ko napapunta. Destiny na naman ha. Wala kong magagawa, kailangan kong pga- igihin na dito sa mga halaman, dahil dito ko napapunta sa Botany. Botany ang aking specialization.  So pinag igi ko na lang ang pag aaral noon at naging paborito ko na. Dahil kung hindi, hindi ako mag-e-excel.

Yun ang isang bagay na natutunan ko. Kahit pala hindi mo gusto, eh wala kang choice eh, gustuhin mo na. Gawin mo ng paborito.

Ganoon po ang nangyari.  So napaka hirap po ng aking dinanas, ano. Ayoko  pero kailangan kong gustuhin. So, ths is very interesting dahil makikita ng mga bata, hindi lahat ng scientist ay pina-planong maging scientists, hindi lahat ng scientists ay gusto yung kanilang pinag aralan, ano po. Kaya lang dahil andun na sya, pinag-igi  na lang. I had no choice kung di pag igihin ko na. Eh di natuto ho ako, at least naging specialist ako.

No regrets. I'm happy. I'm fulfilled kahit ako'y makapag retire na.

QUESTION: Aside from the sciences, what is the next thing that you are passionate about? (for some it's playing the violin, mountain climbing, or pets etc.)

ANSWER: Sports: basketball, swimming, archery, chess, scrabble. Lahat po ng sports ako po ay interesado. Nalalabas ko yung aking mga frustrations. Yan po ang outlet ng aking mga frustrations sa buhay. Masaya ako pagka ako'y nagba-basketball, naglalaro ng kung ano anong sports. Malungkot ako pag akoy di nag i-sports. Mga magulang ko sinasabi: "Ano ka ba, basketball ka na lang ng basketball." Sabi ko: "Kelan ako magba-basketball, pag matanda na ko?" Nakatulong po yun. Malaki ang tulong (ang sports). Lumalaban ako ng kompetisyon

QUESTION: With all that you have accomplished so far, is there anything else, whether related to science or not, that you'd like to do?

ANSWER: Gusto ko mag alaga ng apo ko. Mahilig po ako sa kabataan. Gusto ko magturo ng bata. Gusto kong mag alaga ng bata. Kasi sanay po akong mag alaga ng bata. Kasi ako po ang nag alaga ng dalawang bata, mula ng maliit hanggang lumaki, hanggang mag asawa.

QUESTION: What advice can you give to our young people of today, to those who dream of becoming scientists one day and those who are still undecided over where to go?

ANSWER: Ang unang advise ko, dahil kasi iba iba naman ang mga bata, lalo ung kanilang pamilya, iba-iba. May mahirap, may mayaman. Mayaman man o mahirap, gusto ko sana yung mga bata ay matuto pangalagaan ang edukasyon. Lalo pa na ang ating bansa ay di naman kasing yaman ng mga bansa sa Europa at sa US. Itong ating bansa ay mahirap na bansa. Actually, mas marami ang mahirap sa mayaman dito sa bansa natin. Dahil doon sinasabi ko na ang mga bata ay ma-encourage natin. Lalo yung mga magulang na bigyan ng halaga ang edukasyon dahil yun lamang ang paraan para tayo ay makaangat sa buhay.  At maiwanan natin yung mga kahirapan. Wag tayong mag alala, mahirap ka man, o mayaman ka man, bibigyan tayo ng oportunidad ng Panginoon upang tayo ay makaangat. Tulad po ng nangyari sa akin. Ngayon po, kapag nag umpisa na syang (bata) makapag aral, at sya'y pinag aral at sinikap ng mga magulang na sya'y makapag aral, malalaman nya na kung saan sya magaling. Meron kasi magaling sa mga arts, skills, skilled labor, ano. Aalamin nya yon kung saan sya pwede kaya tama rin naman yung ginawa ng DEPED na bata pa i-program na kung saan dapat.
GD: kung san ung skill nya.

So, wag kayong madiscourage ng kahirapan. Hindi yun hadlang. Remember, hindi hadlang ang kahirapan para ikaw ay umangat sa buhay. Edukasyon ang kailangan natin at yung tamang pag gabay ng magulang. Kailangan mahasa. And eventually, kung ang ating lahat ng mamamayan ay nagiging productive, ay uunlad tong bayan natin. Uunlad yan. So it starts from the family. Very basic yan.

 

Interviewed by: Ged Bulaon-Ducusin